Echo at Heart pa rin sa ‘Panday’
Nitz Miralles | Basta
People’s Tonight | 1.6.06
Itinanong namin sa isang friend ni Angelika dela Cruz kung tama ang tsikang ang actress ang papalit kay Heart Evangelista bilang leading lady ni Jericho Rosales sa pangalawang yugto ng Panday.
Hindi na raw kasi puwede si Heart for personal reasons.
Pero pinasinungalingan ito ng friend ni Angelika. Isang fantaseryeng pambata raw ang gagawin nito kasama ang mga bata sa Goin’ Bulilit at Mga Anghel na Walang Langit dahil malapit na itong magtapos.
Nakipag-meeting na raw si Angelika sa production staff, sa pangunguna ni Enrico Santos, kahapon. Next week naman ang workshop ng bubuo ng cast sa fantaseryeng ididirek ni Malou Sevilla.
So, walang rason na malungkot ang fans nina Jericho at Heart dahil sila pa rin ang magkapareha — unless — magkaroon ng biglaang pagbabago.