Heartworld.net © 2009

Posts Tagged ‘John Prats’

TEENSTARS

In Teenstars on 03/30/01 at 9:31 am

John: On His New Car and Loveteam

Article Transcriber: Global JOHNatics
Joey Diego | Teenstars | March 30, 2001

Tuluy-tuloy ang pag-angat ng career ni John Prats. Maraming nakakapansin na siya ang pinakatinitilian at may pinakamaraming fans sa grupo ng JCS. Bukod sa bago niyang show (Da Body En Da Guard), ay malapit nang ipalabas ang movie niyang “”Sila Ang Latest…Pass It On”with Aga Muhlach and Joyce Jimenez. Tila napakaraming blessings ang dumarating sa kanya kaya naman masayang-masaya ang guwapong bagets.

Nakabili na rin si John ng bagong sasakyan na matagal din niyang pinag-ipunan. Proud na proud ang bagets sa bago niyang RAV 4 na kulay blue. Nakakuha na rin daw siya ng driver’s license pero hindi pa rin siya pinapayagang mag-drive mag-isa ng kanyang mommy at daddy.

“Sobrang tuwa ko nang bilhin ko ito. Tinulungan din ako ng Daddy ko kaya may share rin siya dito. At kapag nagkaroon ulit ako ng savings, balak naming bumiling townhouse. Dream ko talaga magkaroon ng sariling bahay kaya kailangan kong magtrabaho nang husto. Siguro, mga ilang years pa from now bago mangyari ‘yon.

“Nagpapasalamat ako sa mga blessings na dumarating sa akin ngayon. Bukod sa may dalawa akong regular shows (G-mik at Da Body En Da Guard), natapos na rin namin ‘yung movie ko with Tito Aga ang Joyce. Bale ito na ‘yung movie ko after Tanging Yaman tapos may plano rin ang Star Cinema na bigyan ulit ako ng bagong project,” nakangiting kuwento ni John.

Eh, how true na pinayagan na rin daw siya ng kanyang Mommy at Daddy na manligaw at magkaroon ng girlfriend.

“Totoo ‘yun, pero wala pa akong natitipuhan eh. Pinayagan na nila ako pero wala pa akong nakikitang girl na magugustuhan ko. Naghahanap pa rin ako, at baka naman may puwede kayong i-reto sa akin, sabihin niyo lang!” pabirong sabi pa ni John.

Samantala, maganda ang bago niyang ka-loveteam na si Heart Evangelista at balitang gusto siya ng mga parents nito. Anong masasabi niya dito?

“Maganda at mabait si Heart, very thoughtful siya kaya hindi naman siya mahirap magustuhan. Kaya lang, as much as possible ay ayokong haluan ng personal feelings ‘yung trabaho namin dahil baka maapektuhan lang ito lalo na kung mag-away kayo. Hindi naman sa negative ako mag-isip, pero ang dami ko ng nakikitang cases na ganyan at ayokong mangyari sa ‘kin ‘yon.”

“Pero hindi naman ako nagsasalita ng tapos. At saka hindi natuturuan ang puso kung kailan ito dapat tumibok at ituro kung sino ang magugustuhan mo. Kaya kung saan man hahantong ang loveteam namin ni Heart, time will tell. Sa ngayon ay mas okey kami bilang magkaibigan,” sagot pa niya.

Paano kung magsimula ‘yon sa friendship nila?

“Ewan ko. Hindi ko masasagot at hindi ko rin puwedeng sabihin na hindi mangyayari ‘yun.”

Marami na rin sa mga kasamahan niya sa Talent Center ang pumoporma kay Heart. Hindi ba siya natatakot na maagawan pa siya ng iba?

“Hindi naman. Kung may manliligaw man sa kanya, wala namang masama ro’n. Friends lamg kami at nasa kanya na ‘yon kung may magugustuhan siya,” pagtatapos ni John sa aming tsikahan.

TEENSTARS

In Teenstars on 03/05/01 at 9:07 am

Ang Valentines Day ni John

Article Transcriber: Global JOHNatics
Teenstars | March 05, 2001

Wala naging ka-date si John Prats nitong nakaraang Valentines Day. Wala rin siyang naging celebration kahit birthday din niya noong araw na ‘yon. May trabaho kasi ang bagets at tanging sina Carlo Aquino at Stefano Mori ang mga naging ka-date niya nu’n espesyal na Araw ng mga Puso. Gustuhin man niyang gumimik at makipag-date, wala siyang nagawa dahil matagal nang naka-schedule ang show nila na ginanap sa Trece Martirez, Cavite. Ang maganda lang daw du’n, napasaya nila ang mga lovers ng gabing ‘yon pati na rin ang mga loveless nilang mga fans na pumunta sa concert ng JCS.

Prior to that, matagal nang nagwi-wish si John na sana nga, ma-inlove siya muli tulad noong na-inlove siya kay Paula Peralejo na naging first love raw niya. Ayon sa kanya hindi raw niya ma-consider na puppy love lang ‘yun dahil tumagal ito ng almost 6 years. Hindi raw biro-biro ang naramdaman niya noon para sa kapatid ni Rica Peralejo kaya lang ay ligaw tingin lang ang nagawa niya para sa dalagang taga-Tabing Ilog.

“Hindi ko naman siya naging girlfriend, pero siya ang first love ko. Tumagal din ‘yung feelings ko sa kanya for 6 years, hanggang kusa na lang nawala ‘yon. Mahirap, as in mahirap talaga dahil ni hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya at mahal ko siya. Nakuntento na lang kasi ako sa patingin-tingin at pasulyap-sulyap. Masaya na kasi ako kapag nakikita ko siya. Siguro dahil bata pa nga ako nang ma-inlove sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko siya makalimutan dahil siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para pagbutihin ko itong trabaho ko.”

Si Paula ba ang dahilan kaya wala pa rin siyang nagiging girlfriend hanggang ngayon? Nagiging pihikan daw siya dahil natatakot siyang mangyaring ulit ang dati?

“Hindi naman sa natatakot ako, kumbaga, kilala ko ang sarili ko pagdating sa bagay na ‘yan. Dati nagdadasal pa nga ako na sana dumating na ulit ‘yung babaing mamahalin ko pero ngayon ang sinasabi ko na lang sa Kanya, bahala na po kayo para sa akin.”

“Hindi sa hinahanap ko siya pero siyempre nagta-try din naman akong tumingin sa iba. Kaya lang at this point, iniisip ko rin ‘yung career ko. Gusto ko ring matupad lahat ng pangarap ko at sa tingin ko magsa-suffer lahat ‘yun kung isasabay ko ‘yung lovelife. Naniniwala kasi akong totoong nakakasira ang sobrang pagka-inlove sa trabaho. Sabi nga, when you are in love, you have to sacrifice everything kaya ‘yun ang ikinatatakot ko.”

“At hindi naman si Paula nag dahilan kaya ako ganito. Para sa akin magandang alaala na lang ‘yon. Ang totoo hindi ko pa nakikita ‘yung girl na talagang mamahalin ko.”

Si Heart Evangelista ang siyang ipina-pareha sa kanya ngayon sa G-mik. Ipinu-push nang husto ang loveteam nila para makahabol sa loveteams nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, Stefano Mori, Danilo Barrios at Camille Prats.

“Tungkol naman sa loveteam namin, well okay lang dahil excited din naman ako sa kalalabasan ng tandem namin. Okey siya, she’s sweet, mabait at makuwento. Okey ang chemistry namin. We work together as friends at magkasundong-magkasundo kami. Binigyan pa nga niya ako ng aso (German Shepherd) dahil marami siya no’n. She’s very generous.”

“Tulad nga ng sabi ko, marami siyang qualities na gusto ko sa isang babae but for now, trabaho lang talaga. Ayokong manligaw habang nagta-trabaho dahil ayokong mag-suffer ang friendship namin. Mahirap na kasi lalo na ang dami-dami kong nakikitang cases na ganu’n. Even dito sa G-mik, may mga cases ding ganu’n kaya as much as possible ayokong isabay ang lovelife sa trabaho ko,” say pa ni John na lalong gumu-guwapo ngayon.

Marami ang naa-atract kay Heart dahil very charming ito. What if may manligaw sa kanyang ka-loveteam? Okey lang ba sa kanya?

“Okey lang. Na kay Heart naman ‘yun, di ba? I can’t control everything. Pagdating sa personal life ng iba, hindi na naman ako nakikialam.” simpleng pagtatapos ng bagets sa aming tsikahan.