Pinoy Parazzi

Karylle: Career first before love
Tita Swarding | Pinoy Parazzi | January 9-11, 2009

OLA CHIKA! USAP-USAPAN pa rin ang mga nalalaking nali-link ngayon sa bagong Kapamilya star na si Karylle. Pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ng mga tagasubaybay ang relasyong Karylle at Dingdong Dantes, na sa mahabang panahon na naging sila at magkasosyo pa sa negosyo, nauwi lang sa hiwalayan. At ito pa nga ang nagpabongga sa career ng dalaga, huh!
‘Di ba nga, may kasabihan na kundi ka suwerte sa pag-ibig, eh susuwertihin ka naman sa career. Ito na nga raw ang simula pagningning ng bituin ng anak ni Zsa Zsa Padilla, dahil marami na ang nakapila sa kanyang project. At take note, hindi lang projects ang nakapila sa kanya, kundi pati mga boys!
Hindi naman maikakailang maganda itong si karylle, kaya isa na rin si Jericho Rosales na iwe-welcome ni Karylle sa puso n’ya, huh!
Ayon sa aking Parazzi girl, nagparamdam na raw itong si Echi sa dalaga, at nagpapadala na raw ng sweet messages sa text, at tila tuluy-tuloy na raw ito sa panliligaw, huh!
Hindi naman magpapahuli si Christian Bautista na nali-link din ngayon sa dalaga. Pero ayon pa sa aking Parazzi girl na nakausap mismo ang guwapong singer, susuportahan umano nito si Jericho kung sakaling ituloy na ang panliligaw kay Karylle, huh! Ngunit tahasang sinagot ito ni karylle na ‘wag daw muna, at ayaw niyang magka-boyfriend sa ngayon, huh! Ayon pa sa aking Parazzi girl, umiiwas si karylle kay Echo dahil ayaw niyang matulad kay Heart Evangelista na lumubog ang career nu’ng maging sila ni Echi, huh! At napapansin din daw ni Karylle na hindi katulad ni Dingdong itong si Echo, huh! Nakakaloka naman ito! Dahil hindi pa rin daw mawala sa puso ni Karylle si Dingdong, kaya ayaw niyang ume-echo, huh! ‘Yun na!