Survivor Philippines‘ first Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco wants to star in drama project under GMA-7 and with his crush Heart Evangelista. When asked if he is also willing to do sexy projects, he answered, “Siguro, hindi. Hindi ko kaya. Ayoko rin kasing ma-typecast as a sexy actor after doing a sexy movie. Saka hindi ko talaga kaya. Wala sa personality ko.”
Survivor Philippines‘ first Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco says no to going sexy
Rommel R. Llanes | PEP | January 7, 2009
Bago magtapos ang taon, natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC Tiuseco nang pumunta ito sa Summit Media office in Mandaluyong City, para makipag-usap sa Men’s Health Philippines magazine for a possible photo shoot.
Tinanong agad ng PEP si JC kung ano na ang latest tungkol sa kanya matapos na manalo bilang first Pinoy Sole Survivor ng Survivor Philippines.
“Sa ngayon, yung manager ko muna ang nakikipag-usap sa kanila. So yung mga future plans… ngayon, hindi ko pa alam. Pero sana nga may project na ibigay,” balita ng model turned TV personality habang nakikinig naman di kalayuan ang kanyang manager na si Jonas Gaffud.
Ayon pa kay JC, sana raw ay isama siya ng GMA-7 sa isang project na drama dahil sa tingin niya ay kaya niyang mag-excel doon. Wala rin daw problema sa kanya kung ilagay siya sa action dahil nga sa mga pinaggagawa nila sa Survivor Philippines kunsaan sinuong nila ang iba’t ibang extreme physical challenges.
Sa ngayon, nakakontrata si JC sa Unang Hirit kunsaan nagho-host na rin siya. Nitong nakaraang December naman ay isa na siyang image model ng clothing brand na Penshoppe.
I “HEART” HEART. Tutal sinabi na ni JC na sa drama niya gustong magsimula ng kanyang acting career, tinanong na rin ng PEP kung sino naman ang gusto niyang makapareha.
“Heart,” mabilis na sagot ng dating San Sebastian Golden Stag basketeer. JC is referring to actress Heart Evangelista. Matagal na raw niya kasing crush si Heart kahit na noong nasa kabilang istasyon pa ito.
Ibinalita rin ni JC na he has been undergoing workshops in singing and dancing.
Talagang sa showbiz na raw ang direksyon na gusto niyang puntahan.
“After graduating from San Sebastian,” where he earned his degree in management, “after basketball, nag-model na ako. Pumunta na ako sa modeling and when this opportunity came [Survivor Philippines], ginrab ko na agad. Kasi I believe, after modeling, showbiz is the next step for me.”
NO TO SEXY. Pero maagap naman ang sagot ni JC nang tanungin ng PEP kung payag ba siyang mag-bare sa movies. Pinaka-selling point kasi ni JC aside from his boyish good looks ay ang kanyang lean athletic build, lalo na ang kanyang abs.
“Siguro, hindi. Hindi ko kaya,” sagot agad ni JC. Mas preferred daw niya talaga ang makilala as a wholesome celebrity. “Ayoko rin kasing ma-typecast as a sexy actor after doing a sexy movie. Saka hindi ko talaga kaya. Wala sa personality ko,” paniniguro pa ni JC.
SURVIVING SURVIVOR. Remembering the moments bago i-announce ang kanyang panalo sa Survivor Philippines, sinabi ni JC na matinding sakit ng ulo raw ang nararamdaman niya nung sandaling iyon.
“Kasi nasa backstage pa lang kami, talagang…masakit na ang ulo ko noon sa paghihintay ng result. Naninigas na nga ang kamay ko….”
Nag-uusap na nga rin daw sila ni Rob Sy noon at kino-congratulate na siya.
“Sabi niya, ‘Congratulations!’ Sabi ko naman, ‘Hindi pa tapos.’ Saka either way naman, kahit sino sa amin ang manalo, feeling namin, malaki na rin yung na-accomplish namin.”
Sabi pa ni JC, nagkikita-kita pa rin daw sila ng iba pang Castaways at nire-relive nila yung mga pinaggagagawa nila sa island at talagang close daw sila na parang isang tunay na pamilya, kahit na sa sinasabing pinakakontrabida noon na si Marlon Carmen.
“Pagkatapos ng Survivor, yung tunay na Marlon, mabait naman talaga. Actually, dun pa lang sa island, ipinakita niya na yung tunay na sarili niya. Yung tunay na Marlon na mabait. Pinaghanda pa nga kami ng fruits, kahit na alam na niyang maaalis na siya noon.
“Lahat naman kasi ng ginawa niya noon sa island, strategy lang. So talagang mabait si Marlon.”
To see video of JC talking about his type of girl, click here .
