Iza inggit kay Karylle
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated December 28, 2008 12:00 AM |
Natsitsismis na lilipat sa ABS-CBN si Iza Calzado and next year na raw ito mangyayari at para malaman ang katotohanan tungkol dito, ipina-text namin siya sa ka-close niyang reporter para sa kanya mismo manggaling ang kumpirmasyon o pagtanggi sa isyu.
Kung totoong balak niyang lumipat, kailangan niyang hintaying matapos ang Pinoy adaptation ng All About Eve na pagbibidahan nila ni Sunshine Dizon dahil naka-commit na siya rito. If true, hindi na rin matutuloy ang plano ng GMA-7 na after the said soap, bibigyan uli siya ng soap na siya ang nasa title-role.
Kung totoong lilipat nga sa Dos si Iza, dahil kaya gusto niyang sundan ang pinsang si Karylle na Kapamilya talent na o dahil gusto niyang matupad ang matagal ng pangarap na makapareha si Piolo Pascual?
Hindi na tinext ng reporter si Iza dahil nasagot at itinanggi na ng actress ang tungkol dito sa isang presscon ng Desperadas 2. Happy daw siya sa Ch. 7 at wala siyang rason para lumipat, saka ang kontrata niya, hindi lang sa network, pati sa GMA Films.
Samantala, nang makausap namin si Iza sa premiere night ng Fuschia at nang tanungin tungkol sa All About Eve, ibinalita nitong naurong ang taping nila at hindi niya alam kung bakit. Sa nakita naming scheduled airing ng mga bagong soap ng network, March eere ang All About Eve at ipapalit sa Luna Mystika, kaya naman pala naurong ang taping nila.
* * *
Kasama na sa mga host ng Unang Hirit si JC Tiuseco, ang 1st Pinoy Sole Survivor ng Survivor Philippines starting January 1, 2009 at dahil dito, magwu-workshop ang binata on hosting para sa bago niyang trabaho.
Sabi ni JC, wala pang nabago sa kanya, maliban sa may fans na siya at mga kasamang castaway ng SP. Minsang mamasyal sila sa Star City, kinuyog sila ng fans at kinailangang hatakin sila ng security guards para makalabas.
Hindi pa nakukuha ni JC ang P3 million cash prize niya at balak niyang balatuhan si Zita Ortiga na nagtampo sa kanya, si Cris Cartagenas at kung sino sa mga kasama ang nangangailangan ng financial help.
Samantala, gaya ni Jace Flores, crush din ni JC si Heart Evangelista kahit noong nasa ABS-CBN pa ito. Alam daw ito ng girlfriend niyang si Atty. Alu Gorata na isa palang lawyer at staff ni Sen. Migs Zubiri sa senado. |