Pilipino Star Ngayon | July 28, 2004
Kahit nahihirapan din, masaya si Jerry Sineneng sa Hiram. Bukod sa mataas na rating, marami ang nagkakagusto sa story ng bagong ABS-CBN teleserye.
“I owe it to my staff,” sabi ni Jerry. “I’m happy to have been given a hardworking staff and cast. At magagaling na artista.”
Proud naman si Jerry sa dalawang bidang aktres niya na sina Kris Aquino at Dina.
“Ang husay nilang dalawa,” papuri nito. “Kapag ganyan ang mga artista mo, nababawasan ang hirap ng direktor. Jerry co-directs Hiram with Jerome Pobocan, director of just-concluded Sana’y Wala Nang Wakas.
Itinanggi ni Jerry na naging sakit ng ulo ng staff si Mickey Ferriols. Nabalita kasi na nagiging unprofessional daw ito sa set.
“Ewan ko, pero hindi ko naman nakita `yon,” pagtatanggol ng direktor. “In fact, hanga ako sa husay niya. Hindi ko siya naging problema sa set.”
Masayang ibinalita sa akin ni Jerry na papasok na sa Hiram ang karakter nina Heart Evangelista, Anne Curtis at Geoff Eigenmann.
“Magkakaroon ng ibang twist kapag pumasok na sila. Ang husay din ng teen cast ko.”
Bukod sa main cast na sina Kris, Dina, Mickey, John, Heart, Anne at Geoff, papasok na rin sa teleserye si Christian Vasquez. “Vital ang role niya,” sabi pa ni Jerry.