Heartworld.net © 2009

Posts Tagged ‘Francisco Delgado’

Malaya

In Malaya on 01/07/09 at 3:20 pm

Mario E. Bautista | Dream Factory

Malaya | January 7, 2009

Heart Evangelista was interviewed by Raymond Gutierrez and she says that 2008 started badly for her but it ended very well. Sa umpisa, bad talaga kasi marami kong mahirap na pinagdaraanan,” she says. “But eventually, I was able to patch things up with my parents at nagtuloy-tuloy ng gumanda. We became closer and we now have a more solid relationship.”

She says she has definitely moved on from her painful relationship with her last boyfriend (Jericho Rosales) and yes, she has a new one, Francisco Delgado. “I’m really thankful that I have a new show which is a hit, ‘Luna Mystika,’ kasi before I moved to GMA-7, everybody was saying wala na akong chance makabawi pa. I’m glad that the viewers welcomed me again and GMA has other plans for me.”

Tempo

In Tempo on 01/07/09 at 2:05 pm

Break-Up Survivors

Rowena Agilada | Timing

Tempo | January 7, 2009

POSITIVE ang attitude ni Jolina Magdangal sa break-up nila ng boyfriend na si Atty. Bebong Muñoz. She’s moving forward at aniya, kahit nasasaktan siya, kailangan niyang matutunang dalhin ang sarili.

Sinarili lang niya ang break-up nila ni Atty. Bebong at aniya, hindi biro ang nangyari. Ayaw ni Jolina idamay ang ibang tao sa kalungkutang nararamdaman niya ngayon.

Ayaw sabihin ni Jolina ang dahilan ng kanilang break-up. Kung anuman ’yon, gusto niyang itago na lang ’yon at sila na lang ni Atty. Bebong ang nakakaalam. Respeto na lang daw sa kanyang sarili, kay Atty. Bebong, and their respective families.

Nahihilo pa raw siya ngayon at ayaw niyang pag-usapan ang hiwalayan nila. Pakiramdam daw niya, manhid pa siya sa nangyari. Naging therapy na lang ni Jolina after they broke up ang maglinis ng kanyang kuwarto at ayusin ang mga gamit.

Walang violent reaction ang kanyang parents nang sabihin niya sa mga itong break na sila ni Atty. Bebong. Nagulat lang ang mga ito pero hindi siya tinanong kung bakit.

This 2009, bagong buhay para kay Jolina. Gusto niyang maging positive para gumaan ang loob.

’Atta girl! Go, go, go! Be strong, be brave sa pagharap sa mga mangyayari this 2009. Be it bad or good. Pray na lang.

Gimmick lang?

Halatang gimmick lang ’yung may nagpadala ng bouquet of flowers kay Karylle noong nag-guest siya sa ‘The Buzz.’ “Tony” ang nakalagay na pangalan sa card na agad natukoy nina Ruffa Gutierrez at Boy Abunda na si Christian Bautista. ’Yon kasi ang pangalan ni Christian sa ‘West Side Story’ na pinagsamahan nila ni Karylle. Walang kilig na nakita kay Karylle at ibinuko pa niyang hindi naman ’yon sulat-kamay ni Christian. Sinabi ng dalaga na friend lang niya si Christian at hindi ito nanliligaw sa kanya.

Mas may kilig factor ang pagli-link kina Karylle at Jericho Rosales. Pero ayon kay Karylle, friend din lang niya si Jericho at hindi ito nanliligaw sa kanya.

Baka naman humahanap pa ng right timing si Echo?

Cautious na siya ngayon after her break-up with Dingdong Dantes, ayon kay Karylle. Maski raw sa pagpili ng mga nakikipagkaibigan sa kanya, isinasangguni muna niya sa kanyang parents (daddy Dr. Modesto Tatlonghari and mommy Zsa Zsa Padilla). Pag aprub sa mga ito, go si Karylle.

Naka-move forward na ang dalaga na aniya, she’s happy with her life now, sa pagmamahal ng kanyang family. She’s hanging out more often with her younger sister Zia (Zsa Zsa’s daughter by Dolphy).

Inamin ni Karylle, na-hurt ang mommy niya sa split-up nila ni Dingdong. Inamin din niyang umiyak siya last Christmas dahil naalala niya ang ex-boyfriend sa mga sad Christmas songs na napakinggan niya.

Ayaw nang pag-usapan

Like Karylle, naka-move on na rin si Heart Evangelista. She’s happy with her new boyfriend, si Francisco Delgado. Ayaw nang pag-usapan ni Heart si Jericho Rosales pero aniya, he will always have a special place in her heart. But she’s not looking back, she stressed.

Happy rin si Heart with the way things are going sa kanyang career. Hindi raw niya akalaing mabibigyan pa siya ng another chance kaya nagpapasalamat siya sa GMA-7 sa pagkakataon at pinagtiwalaan siyang magbida sa ‘Luna Mystika.’ Top-rating prime time show ito ng Kapuso Network at aniya, worth lahat ng pagdurusa niya sa prosthetic make-up niya.

After this, may kasunod agad na project si Heart. Adaptation ng isang Korean novela ang gagawin niya. Mamaya sa ‘Luna Mystika,’ tatapatin ni Dexter si Celestina na si Luna ang gusto niya. Iiwasan ni Luna si Dexter. Pasisimulan na ni Ybarra ang construction sa loteng katabi ng mga Sagrado. Mari-realize ni Dexter na mahal niya si Luna. Pupunta si Luna sa farm ni Dominic. Hahabulin ni Dexter si Luna sa bus. Magki-kiss sila.

Journal (1)

In Journal Online on 01/06/09 at 3:32 am
Journal Online
FREEHAND

BAD START BREEDS BETTER YEAR FOR HEART
HEART Evangelista was interviewed by Raymond Gutierrez and she says that 2008 started badly for her but it ended very well. “Sa umpisa, bad talaga kasi marami akong mahirap na pinagdaraanan,” she said. “But eventually, I was able to patch things up with my parents at nagtuluy-tuloy nang gumanda. We became closer and we now have a more solid relationship.”

She says she has definitely moved on from her painful relationship with her last boyfriend (Jericho Rosales) and yes, she has a new one, Francisco Delgado. “I’m really thankful that I have a new show which is a hit, ‘Luna Mystika,’  kasi before I moved to GMA-7, everybody was saying wala na akong chance makabawi pa. I’m glad that the viewers welcomed me again and GMA has other plans for me.”

Abante Tonite

In Abante Tonite on 01/05/09 at 4:43 pm
Jun Lalin | Abante Tonite | January 5, 2009

Kahapon ay nag-snack muna kami ni Heart Evangelista bago siya pumunta sa kanyang live guesting sa Showbiz Central.

Napag-usapan namin ni Heart kung bakit ayaw na niyang pag-usapan ang ex-boyfriend niyang si Je­richo Rosales.

Kahit si Heart ay palaging topic sa mga interbyu ni Jericho, nananati­ling firm ang desisyon ni Heart na huwag pag-usapan ang ex-boyfriend.

“Past is past. Nakapag-move-on na ako. Masaya na ako, kaya huwag na lang. Hindi ko naman idine-deny na nagkaroon siya ng parte sa buhay ko, pero tama na ‘yon.

“Masaya na ako nga­yon with my new boyfriend,” sey ni Heart, na ang tinutukoy ay ang negosyanteng si Francisco Delgado.

Kuwento ni Heart, bata pa lang siya ay crush na niya si Francisco at hindi niya akalaing magiging boyfriend niya ito.

Nasa ibang bansa ngayon si Francisco, pero panay ang tawag ng binata kay Heart.

Napakahaba ng mga tawag ni Francisco kay Heart at walang pakialam ang binata kahit napakamahal ng overseas call.

Samantala, nagpapa­sa­lamat si Heart sa patuloy na pamamayagpag ng Luna Mystika sa GMA 7.
Natutuwa rin si Heart na dahil sa Luna Mystika ay dumami pa ang mga batang fans niya.

Journal

In Journal Online on 12/24/08 at 6:26 am

Sharon, dapat nang magpapayat

Nel Alejandrino | Tattle
Journal Online | December 24, 2008

IT’S one day to Christmas, Ian F., kaya, allow us to enumerate our wishes for some movie stars, favorite man namin o hindi, favorite man kami o hindi.

Wishes also go to other showbiz people, ganundin, favorite man kami o hindi. Favorite man namin o hindi.

Jericho Rosales: That his movie, Baler, ay makopo, ’di lang lahat ng major awards, kung hindi, mag-hit din sa box-office. With the good reviews the film has been eliciting from both the critics and ordinary reviewers, there’s no doubt na ito na nga ang pinakaimportante at pinakamagandang pelikula produced ngayong Metro Manila filmfest if not for the entire 2008.

Masasabing lahat ng ginastos sa movie, as it is also touted bilang pinaka-expensive, is worth it.

Viva Films and Bida Foundation, which co-produced Baler, spent more than P60M.

And Echo, like the rest of the cast, Phillip Salvador, Anne Curtis, Joel Torre, Carlo Aquino, Michael de Mesa, Ryan Eigenmann, Mark Bautista, Nikki Bacolo an Baron Geisler, among others,  delivered what was expected of them, acting-wise.

Sharon Cuneta: Huwag naman sanang ikasasama ng loob ni Sharon, dahil Christmas pa mandin, but she truly needs to lose weight — fast. Yes, bago niya simulan ang kanyang reunion movie with Richard Gomez. Based on how the latter looks tuwing naghu-host siya ng Family Feud on GMA-7, trim na trim at guwapung-guwapo pa rin ito.

Base naman sa guest appearance ni Sharon sa MMFF entry na Iskul Bukol…20 Years After, ’di lang halata, kundi kitang-kita pa ang ebidensiya na ‘lumaki’ nga siya.

Ang puwede na lang ipagpasalamat ni Sharon ay ’di affected ang kanyang face sa kanyang ‘paglaki.’ Pretty pa rin siya at minimal ang pagkakaroon niya ng double chin.

* * *

Marian Rivera: A book on good manners and right conduct. Dagdagan na rin po ng book on good PR.

Believe us, Marian, sa business na ito, wala pa ring tatalo sa good pakikisama. Iyon nga lang, maging matapat ka, dahil ang bawat nakakasalamuha mo naman dito ay aware kung uma-arte ka lang o kung tapat sa puso ang iyong pagiging mabait at magandang makisama. They wil surely see through, wika nga.

Sa critics ni Marian: We should (yes, kasama na kami) be more understanding. After all, wala namang ’di nagbabago, hopefully, para sa kabutihan, lalo’t there is an effort na talagang magbago ang isang tao.

Anne Curtis: A new love. Huwag mo nang asahan pang magbalik ang ‘kahapon’ sa inyo ni Sam Milby. At 23, Anne, believe us, you will soon realize na ’di lahat ng inaakala mong tama para sa iyo ay tama nga. Minsan, nagkakamali rin ang kapalaran.

Let Sam go totally and allow him to also set you free – totally.

* * *

Heart Evangelista: Learn how to smile again, which she seldom does. We noticed that kapag napapanood namin siya sa tv.

Okay, we believe Heart when she says she has moved on after her breakup with Jericho some months ago. Happy daw siya sa bagong boyfriend na si Federico Delgado.

But she has to prove this by smiling often, so that we may believe that she no longer feels any echo (alingawgaw) in her heart for Echo.

More Christmas wishes for our other celebrity friends and non-friends bukas, Christmas Day.

Meantime, a happy and prosperous Christmas to us all!

PEP (1)

In PEP on 11/12/08 at 2:04 am
"Yes, I think I am in love!"

“You know, I’m at the highest point right now. Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, my lovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first time in my life. Parang now, ‘Wow, I deserve that!’” says Heart Evangelista.

Heart Evangelista: “Yes, I think I am in love!”

Kagabi, November 11, ginanap ang grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA-7, Luna Mystika. Ito ay pinagbibidahan ni Heart Evangelista, na gumaganap ng dalawang karakter bilang Luna at Celestina.

Ang Luna Mystika ang ikalawang primetime series ni Heart sa Kapuso network, pagkatapos ng magtatapos ngayong linggo na Codename: Asero nila ni Richard Gutierrez. Kaya naman excited si Heart na ang follow-up project niya sa GMA-7 ay title role na agad.

“Confident naman ako na napakaganda ng produktong ito, yung show. And of course, kasama ko pa si Mark [Anthony Fernandez], si Cyrus na talaga namang hot item siya ngayon. Hindi ako ganoon kinakabahan. Pero siyempre, nandoon yung first time ko rito sa GMA na ako mismo ang lead role,” pahayag ni Heart.

Ang Cyrus na tinutukoy ni Heart ay ang pangalan ng character ni Mark sa huling programa ng aktor, Ako Si Kim Samsoon.

Ang Luna Mystika rin ang unang pagsasama nina Heart at Mark. Ayon kay Heart, noong Lunes, November 10, pa lang daw kinunan ang unang eksena nilang magkasama.

Kuwento ni Heart, “Okey naman kami. Nagkukuwentuhan na kami ni Mark. Siyempre, may konting hiyaan pa rin. But then, you know, si Mark, napaka-gentleman at hindi siya yung nagte-take advantage ng babae. At alam mo yung gusto niya na ipakita mo if it’s okay with you na ganito. So, I feel more comfortable. Nae-excite ako sa kanya at sa buong show na ito ng pagsasama namin.”

Puro papuri ang maririnig kay Mark patungkol kay Heart. Ano naman ang masasabi ni Heart na tila naging instant fan niya ang leading man? (CLICK here to read related story.)

“Wow naman!” bulalas ni Heart. “Wala namang nakapagsabi na pang-award… Never ko namang pinangarap yun dahil parang napakabigat niya, kaya thank you. Coming from Mark, na bata pa lang kami, napapanood ko na siya. Crush siya ng mga pinsan ko, tapos ngayon, nakakatrabaho ko na siya.

“Masaya talaga! I’m very flattered. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tuyung-tuyo na ang throat ko. I’m speechless! Noong makita ko yung billboard doon sa may GMA sa labas, parang hindi ko akalain na, wow, mangyayari pala ito sa akin! It only happens in dreams, e, you know, na makakabalik ako, na I can stand up again, yung ganoon. Parang movie lang, pero nangyari,” sunud-sunod na sabi ni Heart.

Hindi ba nahirapan si Heart sa pagganp ng dual character dito sa Luna Mystika?

“Yun nga, medyo naguluhan ako ng konti,” sabi niya. “Kakatapos lang namin ng taping ng Asero at dalawa agad ang character ko, so nag-ano ako… Before each take, halimbawa, magta-transform ako bilang Celestina, nagkukulong ako sa kotse, nagmu-music ako. Pati yung pabango ko, iniiba ko para feeling ko, ibang tao ako. Yun nga lang, medyo nagkaka-nightmares ako kasi medyo ini-invade ko siya.

“Pero nakaka-excite, especially kung ang kasama mo, ibang grupo naman—sina Mark, everybody here, sobrang focus nila sa trabaho. Talagang pinag-aaralan nila ang script. Sila Direk [Mike Tuviera], ine-explain nila sa ‘yo ang bawat eksena kaya kaming lahat, parang we’re in to what we are doing. Nakaka-inspire siya. Nakaka-excite!”

May kaba ba siyang nararamdaman dahil siya bale ang magdadala ng buong show nila?

“Actually, parang hindi ko ma-distinguish kung nasaan ang kaba. Kasi yung buong project na ‘to, kinakabahan ako. Not because hindi ako confident na magre-rate siya, pero yung mga loyal fans naman ng GMA, siguradong manonood ang mga ‘yan, parang susunod at susunod sila sa mga bagong shows. Pero more on, parang ibinigay sa akin, thank you. Yung ganoon,” saad ni Heart.

Pero lalo yatang kinabahan si Heart nang sabihin ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, na ang expectation nila sa magiging rating ng Luna Mystika ay “40 percent.”

NEW LOVE FOUND. Pagdating naman sa lovelife ni Heart, masasabi ba niyang completely healed na siya pagkatapos ng nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales?

“You know, I’m at the highest point right now,” sabi ng dalaga. “Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, my lovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first time in my life. Parang now, ‘Wow, I deserve that!’”

Dito na namin ipinasok kay Heart ang tanong kung totoong may boyfriend na siya ngayon. At hindi naman ito itinanggi ng aktres.

“Yes, I’m seeing someone now,” sagot ni Heart.

Are they exclusively dating?

“Well, ganoon kasi ako, e. Hindi naman ako yung kapag nagdi-date, marami akong dine-date. Isa lang ang idine-date ko and I’m really, really… Well, this one is really good for me.”

Hindi na rin itinanggi ni Heart na kasama niya ang kanyang boyfriend na nagngangalang Francisco Delgado nang magbakasyon sila kailan lang sa Boracay with her family. Si Francisco ay mula sa angkan ng mga Delgado na may shipping business. Anak siya ng pinaslang na businessman na si Federico “Rico” Delgado.

Pero hangga’t maaari ay ayaw ni Heart na pag-usapan ang negosyo ng kanyang bagong boyfriend.

“Well, it doesn’t matter to me. It’s not actually my business to talk about their business, but he’s very hardworking. What I like about him is he’s very low key and he’s not vulgar about anything, and I like that,” saad ni Heart.

Thirty-four years old na raw ang bagong boyfriend ni Heart, na 23 years old pa lamang. Pero wala raw problema sa dalaga kung malaki man ang age gap nila.

“Feeling ko, mas gusto ko,” sabi ni Heart. “Girls naman kasi mature faster than guy, at saka he knows what he wants. May goal siya sa buhay. And I’m like that. Ayoko no’ng parang ngayon lang, tapos hindi namin alam kung ano ang mangyayari. Natatakot ako sa mga ganoon.”

Boto ba ang parents niya kay Francisco?

“Well, actually, matagal na siyang kilala ng mom ko. Pero it’s not that boto siya ngayon. Pero right now, at this point, after that [relationship with Jericho], anything else will do. Anything else that will make me happy. Hindi naman sa ano, kundi yung maging masaya lang ako. Yun ang ibig kong sabihin,” paglilinaw niya.

Ayon pa kay Heart, this time, mas alam na niya ang dapat niyang i-prioritize.

“Alam mo, nagawa ko na ‘yan dati, ginive-up ko na ang lahat. Pero ngayon, naibigay na ulit sa akin [career opportunity], I will not make the same mistakes again. This is me, this is my heart. Uunahin ko naman yung akin,” deklara niya.

At Francisco’s age, masasabing nasa marrying age na ito. Napag-uusapan na ba nila ang kasal as early as now?

“Ang aga naman!” tawa ni Heart. “We’re only dating for four, five months, I think. Basta, happy naman ako ngayon.”

Is Heart in love?

“Yes, I think I am in love!” walang gatol niyang sabi. “Ano kasi ako ngayon, naniniguro muna ako ngayon. You think about anong klaseng love ba ito, pang-forever ba ito?”