Dear Friend, Dennis Trillo, Edison at Anna
In Journal Online on 01/04/09 at 5:26 am
Nitz Miralles | Journal Online | January 4, 2009
Muling ipalalabas ang episode na Anna at Edison [It's "Edison at Anna." - Hearticles] sa Dear Friend ng GMA-7 this Sunday.
Istorya ito kung paano nagkaroon ng happy ending ang Pinay na si Anna (Heart Evangelista) at Chinoy na si Edison (Dennis Trillo) kahit tutol ang ina ng lalaki na magpakasal ito sa Filipina lalo’t ipinagkasundo na niya ang anak sa kapwa nila Intsik.
Bukod kina Heart at Dennis, kasama rin sa cast sina Pinky Amador as Edison’s mom, Charmaine Buencamino as Anna’s mom, Julie Ann Lee as Steph. Ang Third Avenue ang featured artist at si Jay Altarejos ang director ng episode.
Dear Friend, Dennis Trillo, Edison at Anna, Luna Mystika
In Journal Online on 01/04/09 at 4:12 am
Noel Asiñas | Cut
Journal Online | January 4, 2009
MASARAP abangan ang susunod na kaba-nata ng Luna Mystika.
Unti-unti na kasing mari-reveal ang tunay na katauhan ni Ybarra, ang bagong character na ginagampanan ni Ariel Rivera sa no.1 soap ng GMA-7 sa prime time evening.
Paano kaya makapaghihiganti si Ariel sa pamilya ni Dante Rivero na umapi sa kanya noon?
Kailan naman kaya mabubunyag na anak ni Ybarra (Ariel) sina Luna at Celestina?
Marami pang twists ang magaganap sa magandang istorya ng buhay ni Luna Mystika.
* * *
HALOS bumagsak ang career ni Dennis Trillo sa buntis issue niya last year kay Carlene Aguilar.
Kesyo, natakot si-yang ipagtapat kaagad sa publiko na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Carlene. Sa kabila ng lahat, pinagkatiwalaan pa rin si-ya ng GMA-7 na ibigay sa kanya ang title role ng Gagambino.
Pinatunayan naman ni Dennis na bankable star siya ng Kapuso. Nanguna rin sa ratings game ang Gagambino. Kaya naman, panibagong sigla ang career niya ngayon. This time, saka na lang daw muna ang lovelife, pagkatapos niyang ‘masabit’ romantically kina Carlene at Cristine Reyes.
By the way, nitong Bagong Taon, magka-sama sila ni Carlene at kanilang anak na lalaki.
Nang makausap naman namin si Carlene, sinabing tumatanggap na siya ng admirers.
Anyway, mapapanood muli nating magda-drama si Dennis sa Dear Friend ngayong Sunday. Feature episode ang unang tamba-lan nila ni Heart Evangelista sa telebisyon. Bale ito ang istorya ng isang Intsik na itinago ang girlfriend niyang Pinoy sa kanyang parents na Tsino. Lalabas na Intsik dito si Dennis na na-in love sa isang Pinay na ginagampanan ni Heart. Hosts ng Dear Friend sina Jolina Mag-dangal at Marvin Agustin.