Heartworld.net © 2009

Posts Tagged ‘Christmas wish’

Star Ngayon

In Pilipino Star Ngayon on 12/25/08 at 12:00 am
No photo Christmas wish sa mga stars
THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs Updated December 25, 2008 12:00 AM

Photo is loading...

Marian Rivera — Sana ang mga negatibong bagay tungkol sa kanya ay magawa niyang positibo. Tanging siya lamang ang makagagawa nito.

Dingdong Dantes — After Karylle, kung meron man siyang bagong minamahal sana’y mapatunayan niya ang sincerity niya. Sa mga naging kaganapan sa kanyang lovelife, sana makabawi siya dahil, sa aminin niya’t sa hindi, meron siyang nasaktang mga tao.

Karylle — kung hindi ka man makatagpo agad ng bagong pag-ibig, sana’y maging mabilis ang healing process mo. Enjoy your career sa bago mong bahay. I’m sure aalagaan ka nila ng husto. Ma­suwerte ka pa nga dahil sa bagong trabaho kasama mo ang mom mo at pag-uwi ng bahay ang dad mo naman ang daratnan mo.

Angelika de la Cruz — Sana pagkapanganak mo magtuluy-tuloy pa ang career mo. Meanwhile enjoy-in mo ang nalalapit na pagiging nanay mo.

KC Concepcion — Para sa aking inaanak, sana maging mas matagumpay pa ang second movie mo with Richard Gutierrez. Gusto ko ring hili­ngin na magkaroon ka ng movie with your mom and dad, gusto kong magkakasama kayong tatlo.

Richard Gutierrez — more blessings sa iyo dahil mabait kang anak sa parents mo, at mabait ka ring kapatid.

Hero Angeles – more challenging roles. Okay naman ang tayo mo sa GMA 7, maganda ang role mo sa Luna Mystika at sana maski na sa Kung Mangarap Ka’t Magising. Magtagumpay sana ang Sundo movie n’yo ni Robin Padilla.

Jennylyn Mercado — Sana lumambot ang puso mo kay Patrick Garcia at i-share mo na ang anak mo sa kanya. Ang anak ay anak, kung ipagkakait mong makita siya ng kanyang ama ay baka sisihin ka pa ng bata paglaki niya.

Patrick Garcia — Magpakita ka ng willingness to see your son. Solusyunan mo kung anuman ang dahilan at ipinagkakait sa iyo ni Jennylyn ang anak n’yo. Iparamdam mo ang concern mo sa bata. At huwag mong sayangin ang career mo.

Heart Evangelista — Ipagpatuloy mo ang magandang pag-uugali mo. Konting tutok pa sa career. Meron ka nang napatunayan sa ginawa mong paglipat, ’di tulad ng marami na nawalan ng career nang lumipat ng istasyon.

Sharon Cuneta — Alagaan mo ang katawan mo, iwasan ang sobrang pagkain. Huwag mong kalilimutang isa ka pa ring sikat na public figure, you have to stay fit. Andyan naman si Senator Kiko Pangilinan to inspire you.

Diether Ocampo — Next time siguraduhin mo muna ang sitwasyon bago ka magpasyang umalis. Sana ’di ka nagkamali ng desisyon mo, dahil kapag pumalpak kang muli, malaking kawalan na sa iyo.

JC de Vera — Huwag kang magbabago, laging ang mga paa ay nakaapak sa lupa. Andyan ka na sa pedestal na pinagpaguran mo, huwag mo na itong pabayaan.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo — Sana makatanggap na ako ng pinakaaasam kong imbitasyon sa darating na taon. Sana rin maging maganda ang mangyari sa Ploning para hindi masayang ang lahat nang pinagpaguran.

Merry Christmas to you all!

Journal

In Journal Online on 12/24/08 at 6:26 am

Sharon, dapat nang magpapayat

Nel Alejandrino | Tattle
Journal Online | December 24, 2008

IT’S one day to Christmas, Ian F., kaya, allow us to enumerate our wishes for some movie stars, favorite man namin o hindi, favorite man kami o hindi.

Wishes also go to other showbiz people, ganundin, favorite man kami o hindi. Favorite man namin o hindi.

Jericho Rosales: That his movie, Baler, ay makopo, ’di lang lahat ng major awards, kung hindi, mag-hit din sa box-office. With the good reviews the film has been eliciting from both the critics and ordinary reviewers, there’s no doubt na ito na nga ang pinakaimportante at pinakamagandang pelikula produced ngayong Metro Manila filmfest if not for the entire 2008.

Masasabing lahat ng ginastos sa movie, as it is also touted bilang pinaka-expensive, is worth it.

Viva Films and Bida Foundation, which co-produced Baler, spent more than P60M.

And Echo, like the rest of the cast, Phillip Salvador, Anne Curtis, Joel Torre, Carlo Aquino, Michael de Mesa, Ryan Eigenmann, Mark Bautista, Nikki Bacolo an Baron Geisler, among others,  delivered what was expected of them, acting-wise.

Sharon Cuneta: Huwag naman sanang ikasasama ng loob ni Sharon, dahil Christmas pa mandin, but she truly needs to lose weight — fast. Yes, bago niya simulan ang kanyang reunion movie with Richard Gomez. Based on how the latter looks tuwing naghu-host siya ng Family Feud on GMA-7, trim na trim at guwapung-guwapo pa rin ito.

Base naman sa guest appearance ni Sharon sa MMFF entry na Iskul Bukol…20 Years After, ’di lang halata, kundi kitang-kita pa ang ebidensiya na ‘lumaki’ nga siya.

Ang puwede na lang ipagpasalamat ni Sharon ay ’di affected ang kanyang face sa kanyang ‘paglaki.’ Pretty pa rin siya at minimal ang pagkakaroon niya ng double chin.

* * *

Marian Rivera: A book on good manners and right conduct. Dagdagan na rin po ng book on good PR.

Believe us, Marian, sa business na ito, wala pa ring tatalo sa good pakikisama. Iyon nga lang, maging matapat ka, dahil ang bawat nakakasalamuha mo naman dito ay aware kung uma-arte ka lang o kung tapat sa puso ang iyong pagiging mabait at magandang makisama. They wil surely see through, wika nga.

Sa critics ni Marian: We should (yes, kasama na kami) be more understanding. After all, wala namang ’di nagbabago, hopefully, para sa kabutihan, lalo’t there is an effort na talagang magbago ang isang tao.

Anne Curtis: A new love. Huwag mo nang asahan pang magbalik ang ‘kahapon’ sa inyo ni Sam Milby. At 23, Anne, believe us, you will soon realize na ’di lahat ng inaakala mong tama para sa iyo ay tama nga. Minsan, nagkakamali rin ang kapalaran.

Let Sam go totally and allow him to also set you free – totally.

* * *

Heart Evangelista: Learn how to smile again, which she seldom does. We noticed that kapag napapanood namin siya sa tv.

Okay, we believe Heart when she says she has moved on after her breakup with Jericho some months ago. Happy daw siya sa bagong boyfriend na si Federico Delgado.

But she has to prove this by smiling often, so that we may believe that she no longer feels any echo (alingawgaw) in her heart for Echo.

More Christmas wishes for our other celebrity friends and non-friends bukas, Christmas Day.

Meantime, a happy and prosperous Christmas to us all!

INQUIRER

In Philippine Daily Inquirer on 12/15/08 at 8:00 am

Wish List: Heart Evangelista
Philippine Daily Inquirer
First Posted 00:08:00 12/15/2008
Filed Under: Celebrities, Entertainment (general)

MANILA, Philippines—“I hope that life improves for our veteran actors. ’Wag sana nating kalimutan ang ating matatandang artista. I hope that the longer they stay in the business, the more respected they will be by their colleagues. Kapag laos na, they don’t get paid properly. We really have to consider their contributions to the industry.” Marinel Cruz