Heartworld.net © 2009

Abante Tonite

In Abante Tonite on 01/05/09 at 4:43 pm
Jun Lalin | Abante Tonite | January 5, 2009

Kahapon ay nag-snack muna kami ni Heart Evangelista bago siya pumunta sa kanyang live guesting sa Showbiz Central.

Napag-usapan namin ni Heart kung bakit ayaw na niyang pag-usapan ang ex-boyfriend niyang si Je­richo Rosales.

Kahit si Heart ay palaging topic sa mga interbyu ni Jericho, nananati­ling firm ang desisyon ni Heart na huwag pag-usapan ang ex-boyfriend.

“Past is past. Nakapag-move-on na ako. Masaya na ako, kaya huwag na lang. Hindi ko naman idine-deny na nagkaroon siya ng parte sa buhay ko, pero tama na ‘yon.

“Masaya na ako nga­yon with my new boyfriend,” sey ni Heart, na ang tinutukoy ay ang negosyanteng si Francisco Delgado.

Kuwento ni Heart, bata pa lang siya ay crush na niya si Francisco at hindi niya akalaing magiging boyfriend niya ito.

Nasa ibang bansa ngayon si Francisco, pero panay ang tawag ng binata kay Heart.

Napakahaba ng mga tawag ni Francisco kay Heart at walang pakialam ang binata kahit napakamahal ng overseas call.

Samantala, nagpapa­sa­lamat si Heart sa patuloy na pamamayagpag ng Luna Mystika sa GMA 7.
Natutuwa rin si Heart na dahil sa Luna Mystika ay dumami pa ang mga batang fans niya.