Nitz Miralles | Journal Online | January 4, 2009
Muling ipalalabas ang episode na Anna at Edison [It's "Edison at Anna." - Hearticles] sa Dear Friend ng GMA-7 this Sunday.
Istorya ito kung paano nagkaroon ng happy ending ang Pinay na si Anna (Heart Evangelista) at Chinoy na si Edison (Dennis Trillo) kahit tutol ang ina ng lalaki na magpakasal ito sa Filipina lalo’t ipinagkasundo na niya ang anak sa kapwa nila Intsik.
Bukod kina Heart at Dennis, kasama rin sa cast sina Pinky Amador as Edison’s mom, Charmaine Buencamino as Anna’s mom, Julie Ann Lee as Steph. Ang Third Avenue ang featured artist at si Jay Altarejos ang director ng episode.